Megan Young looks back at Miss World reign through 'Alyas Robin Hood'
Kabilang ang host-actress at Miss World 2013 titleholder na si Megan Young sa mga bumibida sa pinakabagong Kapuso Primetime series na "Alyas Robin Hood," na pinagbibidahan din nina Dingdong Dantes at Andrea Torres.
Ginagampanan niya ang karakter na si Sarri, isang pediatrician na hilig rin ang pagtulong sa ibang tao.
Paglalarawan niya sa kaniyang role, "May factor siya na Miss World. Mahilig siya sa mga bata and she likes to do charity projects para sa mga bata na may sakit."
"Ang project niya is called The Healing House. ‘Yun ang advocacy niya. She’s a strong-willed woman. Hindi siya pa-pushover, pero pagdating sa love, grabe siya ma-fall," dagdag pa ni Megan.
Naging malapit raw agad sa puso ng aktres at beauty queen ang kaniyang role dahil ipinaaalala nito ang mga panahong aktibo siya sa paggawa ng charity works sa iba't ibang bansa para sa Miss World.
Aniya, "Dahil may pagka-Miss World aspect siya, mas napalapit ako sa character ko at sa mga nakaka-work ko, lalo na sa mga bata. It’s easier for me to connect with children since I have so much experience working with them. "
Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang maiuwi ni Megan ang Miss World crown, ngunit tuloy-tuloy lamang raw ang kaniyang pakikipagtulungan sa Miss World organization upang makatulong sa mga nangangailangan.
A photo posted by Megan Young (@meganbata) on
Nalalapit na ang grand coronation night ng Miss World Philippines 2016, at kabilang nga ang Kapuso host-actress sa mga nasasabik nang makilala ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyosong international beauty pageant.
Ayon kay Megan, "I’m really excited to see kung sino ang next na magre-represent sa Philippines in Miss World. There’s a lot of new things happening this year at Miss World. Let’s see how it goes."
Labis raw na nagbago ang kaniyang buhay mula nang mapanalunan niya ang korona, kaya naman nagpapasalamat siya sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.
Isang karangalan para kay Megan ang makapag-iwan ng legacy bilang isang Pinay international beauty pageant titleholder na nagbigay ng karangalan sa bansa.
"Siyempre, in your career, you always try to find your own mark. A moment like that, it’s something that I will treasure for the rest of my life. It’s made such a big impact on my life, on my career, and on the relationships I had before and that I’ve made afterwards," aniya.
Pagtatapos ni Megan, "All positive and good outcomes. Thankful ako na I’m still recognized because of that. I’m very grateful for that, that people still have that recognition."
A video posted by powerhousePH (@powerhouseph_) on
Sa ngayon, abala ang Kapuso host-actress sa kaniyang pagbida sa GMA Primetime series na "Alyas Robin Hood."
Maliban kay Megan, Dingdong, at Andrea, bahagi rin ng cast sina Christopher de Leon, Paolo Contis, Gary Estrada, Dennis Padilla, John Feir, Tanya Gomez, Gio Alvarez, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Caprice Cayetano, at marami pang iba. -- FRJ, GMA News