ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista: 'Nasa friend zone na kami'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa muling pagharap niya sa publiko nitong Martes matapos ang ilang buwan na pamamahinga sa showbiz, hindi naiwasang maitanong sa TV host-actress na si Kris Aquino ang tungkol sa kaniyang lovelife.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Martes ng gabi, kasamang sinagot ni Kris sa mga tanong ng media ang tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig, partikular ang huling lalaki na na-link sa kaniya-- si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Pag-amin ni Kris, nagkita sila at nagkausap sila minsan ni Mayor Herbert at marami silang napagtanto tungkol sa pakikipagrelasyon.

"Napag-usapan namin lahat ng kapalpakan, pagkakamali and all," anang Queen of All Media.

Patuloy niya, "And the one thing that came out of it is we both realized if you want a relationship, I'm not talking about him kasi nasa friend zone na kami; kung gusto mo talaga magka-chance, you keep it to yourself. Lalo na when you're public."

Abril noong 2014 nang lumabas ang usap-usapan na nagkakamabutihan sina Kris at Mayor Herbert.

Basahin: Herbert Bautista, namula at nagtago sa lamesa nang tuksuhin kay Kris Aquino

Pero matapos ang pag-amin ni Kris tungkol sa relasyon nila ng alkalde, madali rin itong nagwakas.

Basahin: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista

Samantala, tungkol sa kaniyang kapatid na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, sinabi ni Kris na nag-a-adjust pa rin ang kaniyang Kuya Noy sa pagbabalik nito sa buhay-sibilyan matapos magwakas ang termino bilang pangulo noong Hunyo.

Nang tanungin si Kris tungkol sa lovelife ng binata niyang Kuya Noy, natatawang tugon ng TV host-actress, "I don't ask kasi I also don't want him to ask me." -- FRJ, GMA News
 

Tags: krisaquino