Andrea Torres is fierce as Venus in 'Alyas Robin Hood'
Nauna nang sinabi ng Kapuso actress na si Andrea Torres na isa na si Venus ng GMA Primetime series na “Alyas Robin Hood” pinaka-daring na karakter na kaniyang ginampanan.
Ipinakita na nitong mga nakaraang linggo ang ilang eksena kung saan ibinida ng aktres ang kaniyang magandang pangangatawan.
“Ito ang first time na pumayag akong mag-two piece sa soap. Lagi akong cut-out, one piece. Dito, nag-request sila na two piece. I said, okay. Not just one, but two scenes,” aniya sa naunang panayam.
Kasama ni Andrea na bumibida sa “Alyas Robin Hood” sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Miss World 2013 Megan Young.
Bahagi rin ng cast na nagbibigay-buhay sa kuwento sina Christopher de Leon, Paolo Contis, Gary Estrada, Dennis Padilla, John Feir, Tanya Gomez, Gio Alvarez, Lindsay de Vera, Dave Bornea, Caprice Cayetano, at marami pang iba. —JST, GMA News