ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'USAPANG REAL LOVE'

Andre Paras, Mikee Quintos star in modern Cinderella story—with dating apps


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bagong tambalan ang mapapanood ng mga Kapuso sa ikalawang mini-series ng “Usapang Real Love” simula sa darating na Linggo, October 23.

Bibida sina Andre Paras at Mikee Quinto sa “Perfect Fit,” isang modern-day Cinderella story. Sigurado umano ang dalawa na makaka-relate ang kabataan sa kakaibang kuwentong ito dahil sa paggamit ng dating apps.

Bukod dito, iba't ibang relasyon din ang makikita ng mga manonood—mula sa magkasintahan, magkaibigan, magkapamilya, at marami pang iba.

Saad ni Mikee sa isang pocket interview nitong Martes, “Mayroong family-related, may best friend, may breakup. Ako, Jay, Arra, and Andre, iba-iba yung connection namin sa isa't isa. I think, kahit sa isa lang sa amin, makaka-relate talaga [ang] kahit sino.”

Dagdag naman ni Andre, “Nag-break kayo pero friends pa rin kayo. Or you need a dating app to move on. Maraming story arches na makaka-relate ang mga tao. May story rin about best friends. It won't be boring at all.”

 

A photo posted by Mikee Quintos (@mikeequintos) on

 

Maipapamalas din ni Mikee ang kaniyang galing sa pag-arte dahil bibigyang-buhay niya ang dalawang karakter—sina Ella at Cindy.

Ayon sa young Kapuso, itinuturing niyang hamon ang kaniyang role at nasasabik siyang malaman ang magiging reaksyon ng mga manonood.

“Si Cindy yung anak-mayaman, sosyal, private school, ang daming phones. Si Ella naman yung simpleng cellphone repair girl. May scenes na kausap ko yung sarili ko. It's a challenge to talk to yourself. Magkaibang take 'yon, so yung reaction mo dapat aligned. Medyo crazy,” masaya niyang kuwento.

Nakaka-relate daw si Mikee sa kaniyang karakter na si Ella dahil may pagkakahawig daw kasi sa kaniyang buhay ang kuwento ng istorya.

Paliwanag ng aktres, tulad ni Ella, minsan na rin daw niyang ginawa ang lahat para sa crush niya, gaya ng pagpapapayat.

“Very connected ako sa character na si Ella; first, ang name niya talaga sa script is Ella Marie, and my real name is Michaela Marie. Tapos yung story, high school best friend niya si Eugene and willing siyang gawin lahat para mabalik yung spark nila ni Eugene. Hindi siya nakilala ni Eugene in the present kasi mataba siya noong high school. It's very me, hindi ba?” kuwento niya.

Magkikita sina Ella at Eugene, na ginagampanan ni Andre, dahil sa dating app na “Teender.”

Kuwento pa ng aktres, “They will meet through 'Teender.' Cindy will give the phone to Ella to repair. And then lumabas si Eugene sa notification, so Ella swiped right. Kasi crush niya nga. Abangan niyo kung ano ang mga pagsubok na pagdadaanan ni Ella, 'yung consequences ng actions niya para lang mabalik 'yung spark nila ni Eugene.”

 

 

A photo posted by Jel Capistrano (@jel_to_the_ai) on

 

Kasama nina Andre at Mikee sa “Usapang Real Love: Perfect Fit” ang "Starstruck" alumni na sina Jay Arcilla at Arra San Agustin.

Maaari ding bumida at maging “instant artista” ang mga manonood ng teleserye sa pamamagitan ng pagpapadala ng video entries sa Facebook page ng nasabing programa. -- FRJ, GMA News