ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mikee Quintos on her fitness inspiration: 'Nagka-crush ako'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinahagi ng bagong Kapuso young star na si Mikee Quintos ang mga ginawa niya para maging maganda ang pangangatawan niya ngayon. Aminado ang “Encantadia” star na dating siyang “chubby.”

Madalas na workout at seryosong pagda-diet daw ang sikreto ng magandang aktres.

“No rice diet and workout when you can,” ang payo niya sa isang follower na nanghingi sa kaniyang ng tips.

Dagdag pa niya sa isang pocket interview nitong Martes, “I drink lots of water. Iwas sa juice or anything else. Just warm water.”

 

A photo posted by Mikee Quintos (@mikeequintos) on

 

Kakaiba ang naging dahilan ni Mikee upang magpapayat at magkaroon ng healthy lifestyle.

Aniya, lumaki siyang “chubby” at naisipan lang niyang magbawas ng timbang nang magka-crush siya sa isang kaklase.

Kuwento ng Kapuso actress, “Nagka-crush ako. Hindi niyo kilala. Schoolmate ko siya. Siya yung nagka-crush sa akin, tapos parang kinilig ako kaya naging crush ko rin siya. Ayun, na-inspire akong magpapayat.”

“Pero hindi niya na ako napansin noong pumayat na ako,” dagdag niya.

 

A photo posted by Mikee Quintos (@mikeequintos) on


Sa ngayon, abala si Mikee sa kaniyang pagbida bilang Lira sa hit Kapuso fantasy series na “Encantadia.”

Kasama niyang bumibida sa GMA Primetime teleserye sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Neil Sese, Carlo Gonzales, at marami pang iba.

Mapapanood din simula sa Linggo, October 23, si Mikee at ang katambal niya si Andre Paras sa ikalawang mini-series ng “Usapang Real Love: Perfect Fit.”

Basahin: Andre Paras, Mikee Quintos star in modern Cinderella story—with dating apps -- FRJ, GMA News

Tags: mikeequintos