Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baby Zia answers Mommy Yan's question: 'Sino love ni Mama?'


Aliw na aliw ang mga kaibigan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa masayahin at bibo niyang na anak na si Maria Letizia.

Nitong nakaraang linggo, bumisita ang malalapit na kaibigan ni Marian sa kanilang tahanan, kabilang ang “Encantadia” actress na si Ana Feleo.

Ibinahagi ng aktres ang ilang video ng kanilang bonding moments kasama si Baby Zia.

Sa unang video, makikita ang pinasikat na “Rat Face” ng unica hija ni Marian at ng Kapuso Primetime King at “Alyas Robin Hood” star na si Dingdong Dantes.

 

A video posted by Ana Guillen Feleo (@anagfeleo) on

 

Ipinakita naman ni Ana sa hiwalay na video ang sagot ni Zia sa tanong na, “Sino love ni Mama?”

“Zia daldal! Ninang misses you!,” ang caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Kuwento naman ni Roxanne Barcelo, na ninang din ni Zia, "Baby Zia is such an active and happy baby! Super attentive ng inaanak ko when we were at the children's party earlier... She didn't cry at all and was interacting with other babies and even adults.She loved seeing balloons and toys around her... Super proud Ninang ako."

 

Zia daldal ? ? ? ninang misses you! @therealmarian

A video posted by Ana Guillen Feleo (@anagfeleo) on

 

Sa mga naunang pahayag, ipinagmalaki ni Marian na masayahin at palakaibigan talaga ang kanilang anak. Hilig nga raw nitong makipaglaro sa kaniyang mga kaklase sa playschool.

Ayon sa proud mom, “Sa school niya, friendly siya. Kung may award na Miss Friendship, nakuha na niya. Ma-touch siya, nakikipaglaro. Nakikipagkulitan talaga,” aniya sa panayam ng GMA News at iba pang miyembro ng press.

“Kung makikita niyo sa mga posts ko, mahilig siyang tumawa. At saka bibo. Kapag sinabi mong 'dance, dance, dance,' sasayaw talaga siya,” dagdag pa ni Marian. -- FRJ, GMA News

Tags: babyzia