Rocco Nacino on 'Encantadia' success: 'We're back on top'
Labis ang saya ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa mainit na pagtanggap at patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” na sinimulang ipalabas ngayong taon.
Aniya, tulad ng ibang role na ginampanan niya, tumatak na rin sa mga tao si Aquil, kaya naman nagpapasalamat siya sa patuloy na pagtitiwala sa kaniya ng GMA Network.
Nitong Huwebes, muling pumirma si Rocco ng kontrata bilang isang Kapuso.
“Things have been great. Natutuwa akong lagi akong inaalagaan ng GMA. They have been giving me nothing but good projects na ang end result ay tumatak ako sa mga tao, especially now with 'Encantadia.' Kakaiba ang tiwalang ibinigay nila sa akin. Ibang klase talaga ang feeling,” ayon sa aktor.
Dagdag pa niya, “Up to now, people still call me 'Mayor dahil sa 'Bayan Ko.' Now, they call me 'Aquil,' another memorable character from 'Encantadia.' I'm really grateful with what's happening, and I'm very excited with my future endeavors with GMA.”
Thank you very much GMA! Still a Kapuso, and will always be.♥?
A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) on
Ipinagmamalaki ni Rocco ang dedikasyon na ibinibigay ng buong cast at crew ng “Encantadia” upang makabuo ng magagandang eksena para sa kanilang mga tagasubaybay.
“In behalf of everyone, I'm proud to say that we're back on top. Talagang ipinagmamalaki namin ang show. Maraming GMA artists ang nagiging guests, and it's fun meeting new people and seeing the cast grow bigger," saad ng aktor.
"Flagship show talaga siya ng GMA. Grabe ang following. Iba ang reception ng tao kapag naririnig nila ang theme song, kapag nakikita nila kami na nakasuot ng costume. Tumatak talaga ang characters,” patuloy niya.
Ayon sa Kapuso actor, marami pang pasabog ang kanilang inihanda, lalo na't patuloy ang pagpapakilala nila sa mga bagong karakter na hindi napanood noon sa orihinal na bersyon ng fantaserye.
Kamakailan lang, ipinakilala na si Lilasari, ang pinakabagong kontrabida na bibigyang-buhay ni Diana Zubiri, na gumanap bilang Sang'gre Danaya sa orihinal na “Encantadia” noong 2005.
Nasa “Encantadia” rin bilang Adhara si Sunshine Dizon, ang gumanap naman bilang Sang'gre Pirena noon.
“Marami pang pasabog na ipapakita ang show na ito. We're doing our best to stay quiet kasi sobrang excited rin kaming i-post at ibahagi sa fans 'yung surprises. Ngayong nagbabalik ang original cast, lalong dumadami ang fans!” pahayag ni Rocco.
Dagdag pa niya, “Sa tapings namin, excited na excited silang gumawa ng eksena. To think na sila ang original Sang'gres at nagbalik sila bilang mga kontrabida, ang ganda ng ginawang twists ni Direk Mark.
Handa kaya siya sakaling magbalik din si Alfred Vargas, na siyang unang gumanap bilang Aquil?
“Ang saya kung ganoon! Sana mangyari at maka-eksena ko naman siya. Siguro magtatapat kami, 'yung Aquil dati at ngayon. Ibang klase 'yon. I would love for that to happen. Sana mangyari,” aniya.
Encantadia: Pagkagalak ni Aquil sa pagbabalik... by encantadia2016
Sa ngayon, pinaghahandaan na ni Rocco ang iba pa niyang showbiz projects, kabilang na ang mga pagbibidahan niyang pelikula na “Bar Boys” at “Lakambini.”
Matapos naman ang matagumpay na “Oh Boy!” concert, na nakasama niya sina Derrick Monasterio, Jake Vargas, at Aljur Abrenica, nakatakda raw silang lumipad sa ibang bansa para mag-concert din.
“I've started here and I'm sure na magtatagal ako sa GMA. I'm a certified Kapuso and I'm proud of it. I have a lot of projects lined up. We are 90% go for Oh Boy sa ibang bansa. We're proud na naging success ang concert. May 'Encantadia' pa. Jampacked talaga ang schedule ko. I'm really excited sa mga gagawin ko with GMA,” ayon kay Rocco.
Click here for more Encantadia videos. -- FRJ, GMA News