ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

The original and present-day Sang'gres of Encantadia get together


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 

 

Isang "epic union" ang naganap nitong Huwebes ng gabi nang magsama-sama sa isang get-together dinner ang mga orihinal at bagong Sang'gre ng Kapuso primetime fantasy-action series na "Encantadia."

Ang pagtitipon ay dinaluhan nina Direk Mark Reyes,  mga orihinal na Sang'gre na sina Iza Calzado (Amihan), Karylle (Alena) at Diana Zubiri (Danaya).

Nandoon din ang bagong Sang'gre Amihan na si Kylie Padilla, ang bagong Danaya na si Sanya Lopez, at ang bagong Pirena na si Glaiza De Castro.

Hindi naman nakadalo ang orihinal na Pirena na si Sunshine Dizon, gayundin ang bagong Alena na si Gabbi Garcia.

Kasama rin sa get-together sina Rochelle Pangilinan (Agane), ang bagong Aquil na si Rocco Nacino, Cheska Inigo (Mayca), ang bagong Muros na si Carlo Gonzalez, at ang orihinal na Muros na si Arthur Solinap.

Bahagi na muli ng bagong "Encantadia" sina Sunshine bilang si Adhana, at si Diana na gumaganap bilang si Lilasari. -- FRJ, GMA News