ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros, priority pa rin daw ang 'Eat Bulaga'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kahit nabigyan na ng malaking break bilang aktor at nanalo pa ng award bilang best actor sa international film festival, mananatiling prayoridad pa rin daw ni Paolo Ballesteros ang pagiging host ng "Eat Bulaga."

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Unang Balita nitong Martes, sinabing worth it ang naging hirap ng buong produksyon ng pelikulang "Die Beautiful" matapos nitong mag-uwi ng dalawang karangalan mula sa ginanap na 29th Tokyo International Film Festival.

Bukod sa audience award," nagwagi rin bilang best actor ang bida ng pelikula na si Paolo, na gumaganap sa role bilang transgender.

"Masaya dahil sobrang welcome kami doon yung pelikula namin, yung buong team namin. Sa second screening na parang couple of weeks bago the festival, sold out na siya. nakakatuwa kasi alam mo yun parang iba yung pagtanggap nila," anang 'EB' dabarkads.

Naging usap-usapan din internationally ang pagrampa ni paolo sa red carpet bilang si Angelina Jolie.

"Parang the red carpet next day may mga party ang mga cast ng iba't ibang film na kasali mga producers, writers. Siyempre tsikahan-tsikahan tapos sabi, 'did you know Angelina Jolie was here last night?' Sa'kin pa talaga sinabi, that was me. Hindi sila makapaniwala," natatawang kuwento ni Paolo.

Ngayong nakuha na ni Paolo ang kanyang biggest break bilang isang aktor, marami ang nagtatanong kung ano kaya ang kanyang mga magiging plano?

"Priority ko kasi talaga ang 'Eat Bulaga.' Kasi na-e-enjoy ko kasi talaga siya. Hindi lang yung pagiging artist doon sa show kung hindi yung more than anything else yung nakakatulong," aniya.

"Ginawa ko naman 'tong makeup transformation for fun. Para lang naman sa pamatay ng oras, para sa Instagram ko, hindi ko naman inakala na mapi-pickup siya ng international," dagdag niya.

Kasama rin umano sa plano ni Paolo ang gumawa ng ng parang coffee table book pero kailangan daw niya ng sapat na panahon.

Angat din si Paolo pagdating sa fashion, kapansin-pansin kasi ang pag-evolve ng kanyang mga 'barangay outfit of the day' sa "Eat Bulaga."

Gayunman, ang pinakakina-career daw ni Paolo ang pagiging daddy sa kanyang ever supportive and beautiful daughter na si Keira, na hindi naman daw nagugulat sa kaniyang mga ginagawa.

"Kinekwento naman ng mommy niya. Saka hindi naman na siya magugulat kasi ginagawa ko naman yun sa bahay ginagamit yung mga heels ko, nga wig ko, mine-make upan ko sila," patuloy niya. -- FRJ, GMA News