Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Alden Richards gives sneak peek at new Concha’s branch in Quezon City


Ipinasilip na ng Kapuso host-actor at Pambansang Bae na si Alden Richards ang bagong branch ng kaniyang restaurant na naunang nagbukas sa Tagaytay City nitong Mayo.

Bago matapos ang taon, matitikman na rin ng kaniyang mga tagahanga sa Quezon City ang mga specialty ng Concha's Garden Cafe.

“We're opening our Quezon City branch very soon! See you po!” ayon kay Alden sa isang tweet nitong Lunes.

Ayon kay Alden, hands-on raw siya at ang kaniyang business partner sa pagpapatayo ng mga bagong branch ng kanilang restaurant, lalo na't isa talaga sa mga pangarap ng Pambansang Bae ang maging isang restaurant owner.

Umaasa raw sila na mabubuksan na ang Quezon City branch ng Concha's Garden Cafe ngayong Nobyembre.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat si Alden sa mga biyayang natatanggap niya nang magbakasyon siya sa Europe kasama ang ka-loveteam at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza. http://www.gmanetwork.com/news/story/588231/showbiz/chikaminute/alden-labis-na-ipinagpapasalamat-ang-bakasyon-sa-europe-kasama-si-maine

“It's seeing Mother General sa Pink Sisters, 'yun ang highlight ng trip namin. We found time to reflect on what's happening and thank the Lord for the blessings,” kuwento niya.

Bukod sa pagnenegosyo, abala rin si Alden sa iba't ibang programang kaniyang pinagbibidahan, kabilang na ang noontime show na “Eat Bulaga!” at ang weekly comedy variety show na “Sunday Pinasaya.” —ALG, GMA News