ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dina Bonnevie, mas inspirado raw magtrabaho sa pagdating ng bagong apo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinakita na nitong Martes ng gabi sa programang "Alyas Robin Hood" ang bagong makakalaban ni Pepe [Dingdong Dantes] na si Dina Bonnevie na si Mother Daisy.

Sa Chika Minute report ni Audrey Carampel sa GMA News "24 Oras," sinabing isang film producer na may ilang hidden agenda ang karakter na gagampanan ni Dina sa "Alyas Robin Hood."

Pasabog din daw ang mga outfit na gagamitin niya sa naturang hit primetime series.

Itinuturing ni Dina na breath of fresh air ang pagbabalik niya sa telebisyon sa gitna ng pagiging busy niya sa negosyo at pagiging congressional spouse.

First time din daw niyang makakatrabaho ang bida ng serye na si Kapuso primetime king na si Dingdong.

Excited din siyang muling makasama ang mga premyadong aktres na sina Jaclyn Jose at Cherie Gil.

Mas inspired din daw ngayon si Dina dahil sa pagdating ng bagong apo si baby Marvic Valentin na anak ni Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.

"Ang cute cute. Siyempre puwede ba namang 'di maging cute eh ang ganda-ganda ng nanay, ang guwapo-guwapo ng tatay. At Siyempre sana naman may namana sa lola," natatawa niyang pahayag. -- FRJ, GMA News