BB Gandanghari, legal na babae na sa Amerika
Natupad na ang pangarap ni Binibini Gandanghari na mapalitan ang kaniyang kasarian bilang isang babae sa mga legal na dokumento sa Amerika matapos na aprubahan ng korte sa California ang kaniyang petisyon.
Sa kaniyang Instagram post, inihayag ni BB na, " This is it! And I thought this day would never come. And I thank my GOD and my LORD for making these things happen. Everything makes sense now... and to this great country the United States of America for providing this #basicrhumanright... Thank you!!! #officiallyBBlegallyGandanghari."
A photo posted by gandangharibb (@gandangharibb) on
Dinagsa naman ng pagbati si BB ng mga nagkomento sa naturang post.
Nitong nagdaang Agosto nang ibalita ni BB, unang nakilala bilang si Rustom Padilla, ang ginawa niyang paghahain ng petisyon sa California court para magpapalit ng kasarian bilang isang babae sa mga legal na dokumento.
Basahin: 'Change is coming' kay BB Gandanghari
Taong 2006 nang aminin ni Rustom na isa siyang bading.
Pagkaraan ng tatlong taon, bumalik mula sa Amerika ang aktor at idineklarang wala na si Rustom at ipinakilala na niya ang sarili bilang si BB Gandanghari. -- FRJ, GMA News