ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rocco Nacino on Sanya Lopez: 'She's wonderful, she's beautiful'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi itinanggi ng Kapuso hunk na si Rocco Nacino na isa sa mga Sang-gre ng "Encantadia" ang labis niyang hinahangaan-- si Sanya Lopez.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Sabado, sinabing bukas sa pakikipag-date si Rocco ngayong single siya matapos ang breakup nila ni Lovi Poe.

Pero sa mga babaeng nali-link sa kaniya, sa kapwa Kapuso at ka-love team sa "Encantadia" na si Sanya Lopez, hangang-hanga si Rocco.

"Crush-material definitely. Sa costume pa lang kita mo, kaakit-akit ang hitsura. Sabi ko, 'Sanya, grabe 'yung abs mo.' Ang lakas-lakas kumain pero sexy pa rin," nangingiting kuwento ni Rocco.

"She's wonderful, she's beautiful. Sino ang hindi magkakagusto sa kanya," dagdag ng aktor. -- FRJ, GMA News