ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
SA 'Ika-6 Na Utos'

Sunshine Dizon bilang Emma, sinagot ang mga tanong tungkol sa pagtataksil


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mismong si Sunshine Dizon ang nagsabi sa nakaraang panayam na malapit sa kaniyang tunay na buhay ang istorya ng bagong aabangang Kapuso Afternoon Prime series na "Ika-6 Na Utos" na tungkol sa pakikiapid.

READ: Role sa 'Ika-6 Na Utos,' malapit daw sa tunay na buhay ni Sunshine Dizon

Sa naturang serye, gagampanan ni Sunshine ang karakter ni Emma, ang asawa na pagtataksilan ni Gabby Concepcion, dahil sa panunukso ng maganda at mas batang si Ryza Cenon.

Papaano nga ba malalaman na nagloloko na ang isang asawa?

"Nandun yung kukutuban ka, tapos bigla ka na lang magugulat kasi makakakita ka ng text, ebidensiya, yung mga ganung bagay," ani Sunshine.

"Pero isang gabi, nakita mo na lang sa dalawang mata mo na nandun na sa harap mo yung kababuyan nila," dagdag niya.

Ano ang naramdaman nang mahuli niya ang pagtataksil?

"Nandun yung nagalit ako. Pero higit sa galit, yung takot, yung pag-aalala, yung pangamba lalo na kung mayroon kang anak," paliwanag niya.

Ano ang mensahe niya sa mga pinagtaksilan ng asawa?

"Kung anuman yung nararamdaman ninyong galit, lungkot, takot, 'wag nyo pong hayaang lamunin kayo niyan. Isipin na lang natin mga anak natin dahil mas kailangan nating mas maging matatag para sa kanila," payo ni Shine.

Ang mensahe naman niya sa nang-aagaw ng asawa?

"Kung masaya ka man ngayon sige, enjoy mo lang 'yan. Nagsisimula pa lang naman ang karma sa'yo, at nagsisimula rin lang ako sa'yo. Ngayon pa lang sisiguraduhin kong magsisika na nakilala mo 'yang asawa kong napakawalangkwenta," babala niya.

Pagpapakilala ni Sunshine sa kaniyang karakter sa inaabangang serye, "Ako si Emma, pinagtaksilan pero ngayon ay handa nang lumaban. Abangan niyo ang aking kuwento."

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News