ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana reunites with 'Boss Yummy' Gabby Concepcion in 'Karelasyon'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos magsama sa Kapuso romantic comedy series na “Because of You” ngayong taon, muling bibida sa isang proyekto ang tambalan nina Kapuso host-actress Carla Abellana at “Ika-6 Na Utos” star Gabby Concepcion.

Bibigyang-buhay ng dalawa ang Christmas special episode ng Kapuso weekly drama anthology na “Karelasyon,” kung saan tatalakayin ang tradisyon ng pagsi-Simbang Gabi.

 

Ayon kay Carla sa panayam ng "24 Oras" nitong Lunes, "Kahit papaano, after 'Because of You,' may chance ulit kaming makapag-work ni Boss Yummy."

"Nagulat nga ako, sabi ni Carla, six months ago na [since 'Because of You']. Parang kahapon lang!” dugtong ni Gabby.

Ito na ang ikalawang beses na bibida si Carla sa isang episode ng "Karelasyon" kung saan siya rin ang nagsisilbing host.

Aniya, marami ang makaka-relate sa Pamaskong handog ng programa lalo na't maraming Pinoy ang tradisyon nang makumpleto ang siyam na araw ng Simbang Gabi.

“Bakit kami nagsi-Simbang Gabi? Siyempre, para makapag-wish kami kay Lord. May kani-kaniya kaming wish dito. May common factor ang characters namin. Makaka-relate ang viewers,” pahayag ng Kapuso actress.

Mapapanood na ang Christmas special episode ng "Karelasyon" sa darating na Sabado, December 3. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News