Allan K., nagkuwento tungkol sa kalagayan nang na-stroke na si Boobay
Habang nagpapagaling, patuloy ang pagdating ng mga kaibigang bumibisita sa Kapuso host at komedyanteng si Boobay na na-stroke kamakailan.
Kabilang si Allan K., sa mga kaibigang dumalaw kay Boobay, o Norman Balbuena, na patuloy na nagpapagaling sa ospital dahil sa dinanas na stroke.
Ayon kay Allan K., walang bahagi ng katawan na naparalisa kay Boobay pero naapektuhan ang pananalita at memorya nito.
“There would be instances na kilala niya kung sino ako, pero hindi niya masabi ang pangalan ko,” kuwento ng “Eat Bulaga!” Dabarkads.
Gayunpaman, positibo pa rin ang Kapuso artist at nagbiro pa raw upang mapasaya ang kaniyang mga bisita.
Ayon kay Allan, “Pagdating ko nga, sabi ko sa kaniya, 'Kilala mo ba ako?' Biniro pa ako, ang sabi, 'Ikaw ang tunay kong ama.' Tawanan kaming lahat.”
Sa Instagram, patuloy din na nagbabahagi ng updates ang kasintahan ni Boobay na si Kent Juan Resquir.
Patuloy raw ang pagbuti ng kalagayan ng komedyante, at kinakailangan na lamang nitong sumailalim sa ilang pagsusuri at therapy upang tuluyang gumaling.
“Vital signs are stable. Negative results to other procedures/tests done; cause of the stroke still unknown... Thank you so much for all the love and prayers,” aniya.
Aysus baby @boobay7.. Hindi ka pa magaling, work nanaman iniisip mo.. ????
A photo posted by Kent Juan Resquir (@kentjuanresquir) on
-- FRJ, GMA News