ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
TEASER

'Magpakailanman' presents: Davao Bombing: Mga Kuwento ng Pag-asa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa darating na Sabado, matutunghayan sa "Magpakailanman" ang kuwento ng ilan sa mga naging biktima ng pagsabog sa Roxas Night Market sa Davao City, na nagresulta sa pagkasawi ng 15 katao at ikinasugat ng mahigit 80 iba pa noong nakaraang Setyembre.

Sa episode na "Davao Bombing: Mga Kuwento ng Pag-asa," ibinahagi ng ilan sa mga biktima ang sakit at paghihirap na kanilang naranasan dahil sa naturang trahediya, at pagkapit nila sa pananampalataya upang hindi maglaho ang kanilang pag-asa.

Itinatampok dito ang batikang aktres na si Chanda Romero, kasama sina Victor Neri, Sherilyn Reyes, Joross Gamboa, Diva Montelaba, April Gustilo, Ken Alfonso, Dea Formilleza, at si Sinon "Rogelia" Loresca Jr. 

Ang "Magpakailanman Present: Davao Bombing: Mga Kuwento ng Pag-asa," ay pinamahalaan ni Direk Albert Langitan. Mula ito sa panulat ni Senedy Que, at pananaliksik nina Angel Lauño at Rodney Junio. -- FRJ, GMA News