Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Meet Gil Cuerva, ang Pinoy Matteo Do sa remake ng 'My Love From The Star'


Sa inaabangang Pinoy version ng hit Korean series na "My Love From The Star," kilalanin si Gil Cuerva, ang gaganap na alien heartthrob na si Matteo Do na magpapakilig at bibihag sa puso ni Steffi Cheon, na gagampanan naman ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, ipinakilala na sina Jennylyn at Gil bilang mga bida sa Pinoy version ng hit Korean series na "My Love From The Star," na sinubaybayan at minahal-- hindi lang mga Korean, kung hindi maging ng mga Pilipino.

Pero sino nga ba si Gil Cuerva?

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan, sinabi nito na ang chinitong si Gil ay isang Filipino-Spanish international model, na mahilig mag-basketball at certified Kobe Bryant fan.

Mahilig din siyang maglakbay, 5'10 ang tangkad, monochromatic at mahilig sa color black.

Two years na niyang hindi pinapaputol ang kaniyang buhok, at bukod sa pagiging coffee lover ay isa ring dog lover.

Mayroon siyang toy poodle pet na ang pangalan ay "Duchess."

Ang kaniyang ideal girl, sabi ni Gil, "Mabait, very patient, maganda, at someone who can really grab my attention."

Kwento niya, nasa isang shoot siya sa Hong Kong nang malaman niyang may auditions para sa leading man role ng "My Love From The Star."

Hanga naman si Gil sa leading lady na si Jennylyn, na madali raw katrabaho, magaling na artista, at marami umano siyang natutunan sa aktres. -- FRJ, GMA News