ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ryza Cenon, aminadong naiinis din sa karakter niyang si Georgia sa 'Ika-6 Na Utos'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masaya ang cast ng GMA afternoon series na "Ika-6 Na Utos" dahil sa mataas na rating nito. Ang kontrabida sa serye na si Ryza Cenon, aminadong siya man ay naiinis sa karakter niyang si Georgia.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, inihayag ni Gabby Concepcion ang labis na kasiyahan dahil sa mataas na rating na "Ika-6 Na Utos," at pagkakapanalo niyang Best Supporting Actor sa FAMAS.

"Credits niyan actually goes to the whole production, GMA, our writers, our directors, everybody behind the scene, everybody who's on top of the project," patungkol ni Gabby sa tagumpay ng serye kung saan kasama niya sina Sunshine Dizon at Ryza.

Dugtong ni Ryza, "Masayang-masaya po kami kasi siyempre hinabol namin 'to saka pinaghirapan namin kaya ayun, ang ganda nu'ng bunga ng pinaghirapan namin."

Itinuturing nina Gabby at Ryzza na matinding pagsubok ang papel na kanilang ginagampanan sa GMA soap.

Ginampanan ni Gabby ang role ng isang mister na matutukso sa mas bata at seksing babae, na ginagampanan ni Ryza.

"Nu'ng nabasa ko yung script, sabi ko talagang maraming makaka-relate dito dahil, especially of course, yung mga may asawa na, o may karelasyon," ani Gabby.

Samantala, ginagampanan naman ni Ryza ang role na si Georgia, isang babae na walang pakialam sa damdamin ng ibang tao basta maging maligaya siya.

"Naiinis ako sa character ko actually, na parang napakasama niyang babae, na wala siyang iniisip kundi yung sarili lang niyang gusto, na kaligayahan lang niya. Hindi niya iniisip yung taong nasasagasaan niya," paliwanag ng aktres.

WATCH: Malapit nang malabag ang 'Ika-6 na Utos': Nagsimula nang kumilos si Georgia

Aminado si Gabby na sa tunay na buhay ay dumadating din sa kanya ang tukso. Pero mas may kontrol na umano siya ngayon para labanan ito.

"I think it does come with maturity," aniya.

Samantala, malayo naman sa tunay na buhay na gagawin ni Ryza ang ginagawa ng kaniyang karakter na si Georgia na mang-aagaw ng asawa ng iba.

Happy love life ni Ryza sa katauhan ng kaniyang binatang nobyo na isa ring aktor na si Cholo Barretto.

"Isa siya sa mga blessing na dumating sa akin this mid-year. So I'm so grateful na lahat 'yon nangyari," masayang pahayag ng dalaga. -- FRJ, GMA News