Dennis Trillo at Kim Domingo, balik-tambalan sa 'Karelasyon'
Matapos bumida sa romantic comedy series na “Juan Happy Love Story,” balik-tambalan ngayon sina Dennis Trillo at Kim Domingo para sa isang kaabang-abang na episode ng Kapuso weekly drama anthology na “Karelasyon.”
Gaganap sa mga mapangahas na roles ang dalawa sa special episode na ito—si Dennis bilang isang drug addict na nagbagong-buhay sa kulungan, at si Kim bilang isang kasintahang nangungulila.
“May action, may pagka-sexy ng konti. Siyempre, nandiyan si Ms. Kim Domingo. Nandiyan 'yung drama. Total package itong episode na ito,” ayon sa Kapuso actor.
Bukod sa matitinding love scenes, ipakikita rin nina Dennis at Kim ang kanilang galing sa drama.
Kuwento ni Kim, “Tungkol sa dalawang magkasintahan. Si Dennis, nakakulong, at ako naman, habang nakakulong siya, na-depress ako.”
Dennis, taping on a Sunday for a special episode of KARELASYON. #Karelasyon
A photo posted by popoycaritativo (@popoycaritativo) on
Bukod sa kani-kanilang showbiz commitments, abala na rin sina Dennis at Kim sa paghahanda para sa selebrasyon ng Pasko.
Kung si Kim ay balak magpunta sa Japan, mananatili naman si Dennis sa Pilipinas upang makasama ang kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.
“Gusto kong makakita ng snow at gustong-gusto ko 'yung malamig,” ayon kay Kim.
Pahayag naman ni Dennis, “Para sa akin kasi, ang Pasko ay mas magandang sini-celebrate sa bansa dahil nandito ang mga kamag-anak mo. Masarap 'yun kasi ganoon na irn 'yung taon-taon naming nakaugalian.” —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News