Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: 'SOP' family, nagkasama-sama sa kasal ni Maricris Garcia


Ikinasal na nitong Biyernes ang dating miyembro ng pop girl group na "La Divia", na si Maricris Garcia sa kanyang non-showbiz boyfriend na si TJ Cruz. Kabilang sa mga dumalo sa naturang kasal ang mga nakasama niya sa dating GMA Sunday musical program na "SOP."

Ginanap ang TJ-Maricris wedding sa San Antonio de Padua Church sa Silang, Cavite, at sa Angelfields Nature Sanctuary naman ang reception.

Bukod kay Maricris, kabilang din sa "La Diva" sina Aicelle Santos at Jonalyn Viray.

Nandoon din ang mga dating host ng "SOP" na sina Regine Velasquez, Jaya, Kyla, Direk Louie Ignacio, at program manager na si Hazel Abonita.

Kasama ni Regine ang kaniyang asawa na si Ogie Alcasid, na isa sa mga ninong sa kasal, at kasama naman ni Aicelle ang nobyo nito na si Mark Sembrano.

 

 

Tj & Maricris ??

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

 

 

Newlyweds Tj and Maricris with friends ?? Hi @reginevalcasid @jayasoul @thepaololuciano

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

 

 

#tinadhana121616 ?

A photo posted by Gavi's Mom (@i_am_bev) on

 

 

 

 

I love weddings! Congratulations Tj and Best wishes @maricris_garcia ?? #Tinadhana2016

A photo posted by Melanie C. Alvarez (@kylaalvarez) on

 

-- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT