Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Alden Richards becomes a ‘fanboy’ over John Lloyd Cruz, Bea Alonzo


Isa man siya sa pinakasikat na artista ngayon, hindi pa rin napigilan ng Kapuso host-actor at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Alden Richards ang maging isang "fanboy" nang makita nang personal ang mga idolo niyang sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Nagkita-kita ang tatlo nitong nakaraang linggo sa #sLiNeoFlux2016 Year-End Party ng isang styling services company.

“When the 'fan-boy' in you gets you hard! Iba talaga!!!” ayon kay Alden sa kaniyang Facebook page.

 

 

Beautiful people last night. Caption this guys. ???? #slineoflux2016 #aboutlastnight

A photo posted by Sheryl Songsong (@sherylsongsong) on

 

@g3cafe with @beaalonzo, #JohnLloydCruz & @aldenrichards02 at last night's #sLiNeoFlux2016! ???? @magicliwanag

A photo posted by styleList, inc. (@stylelistinc) on

 

Marami ang natuwa sa nasabing post ni Alden, at isang araw nga lang mula noong ibahagi niya ito, mayroon na itong mahigit sa 19,000 likes at halos 500 shares.

Bukod sa pagbida sa "Eat Bulaga!" at sa Kapuso weekly comedy variety show na "Sunday Pinasaya," naghahanda na rin ngayon si Alden para sa "Destined To Be Yours," ang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan niya kasama ang phenomenal star na si Maine Mendoza.

Kabilang ang "Destined To Be Yours" sa mga aabangang Kapuso teleserye para sa susunod na taon.

Kasama rin sa 2017 drama offerings ng GMA Network ang "Meant To Be" nina Barbie Forteza, Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto; at ang Pinoy version ng hit Koreanovela na  "My Love From The Star" nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. —ALG, GMA News