ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Cesar Montano, nanumpa na bilang pinuno ng Tourism Promotions Board


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Opisyal na ang pag-upo ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer of the Tourism Promotions Board matapos siyang manumpa kay Tourism Secretary Wanda Teo.

Sa Facebook account ng DoT, ipinost nitong Martes ang dalawang larawan kaugnay ng panunumpa ni Cesar kay Sec. Teo.

Noong Disyembre 6 unang naibalita ang ginawang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cesar bilang COO ng TPB, na ang tungkulin ay isulong at paunlarin ang turismo ng bansa.

Kasunod naturang balita, hindi itinanggi ni Teo na mayroon siyang ibang tao na inirekomenda sa posisyong nakuha ng aktor. Gayunman, aminado ang kalihim na wala siyang magagawa kung si Cesar ang nais ng pangulo at mayroon na itong appointment papers.

-- FRJ, GMA News