What Daiana Menezes has learned after divorce
Humigit-kumulang dalawang taon na ang nakalipas mula nang magkahiwalay ang Brazilian host-actress na si Daiana Menezes at ang kaniyang asawa at dating congressman na si Benjo Benaldo, ngunit nitong Nobyembre lamang naging pinal ang kanilang divorce.
Ayon kay Daiana sa isang press conference nitong Lunes, masaya siyang tuluyan nang naging legal ang kanilang paghihiwalay.
Wala umano siyang pinagsisisihan sa mga nangyari—mula sa tatlong taong pagsasama nila ni Benjo hanggang sa kanilang paghihiwalay.
Aniya, "I don't regret anything. Siguro, before, I regret the fact na ang tagal kong mauntog. It took me so long to actually make the decision. I should have done it before, but I don't regret it. If I had done it, maybe I wouldn't be here. Part ng buhay ko 'yun. After that, ang daming blessings. I met these people, I'm working again, and here I am."
Sa ngayon, abala ang host-actress sa upcoming model search na "The Fiercest of Them All," kung saan magsisilbi siyang host.
Ipinaliwanag rin ni Daiana ang mga usap-usapang pera ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Hindi man siya nagbigay ng mga detalye, sinabi ng host-actress na hindi naging isyu para sa kaniya ang pera.
Paliwanag niya, "Kung mahal kita, I will do everything for you. I'll buy you a house. Nasa tao na 'yun kung magte-take advantage sila, but that's me. I'll take care of you, That's it. But I don't really think about it as 'I'm a man or I'm a woman.' I'm a person, and if I love you, I will take care of you. That's who I am."
Itinanggi rin ng host-actress ang mga paratang na nakikipag-relasyon lamang siya dahil sa pera.
"I've always been independent ever since I moved to the Philippines... Nobody has ever paid a penny for my bills. I get really hurt when I read articles that say 'She's dating him kasi may pera.' Hindi 'yan totoo," aniya.
WATCH: Daiana Menezes, inilahad kung bakit nagkahiwalay sila ni Benjo Benaldo
Ngayong handa nang umibig muli si Daiana, may isang bagay raw na magbabago sa kaniya.
"Natuto na ako. Madaldal kasi ako and honest and prangka. That's why I get into intrigues all the time—because I speak the truth. So, I learned that I have to keep my mouth shut when it comes to love. I won't be as open about my love life. Isa 'yan sa lessons na natutuhan ko," ayon sa kaniya.
Balik-Kapuso ang Brazilian host-actress ngayong 2017 kasabay ng pinakabagong model search na "The Fiercest of Them All," na ipapalabas sa GMA News TV tuwing Linggo simula sa darating na March 5. —JST, GMA News