ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ken Chan, 'di apektado ng mga intrigang kumukuwestiyon sa kaniyang pagkalalaki


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kahit matagal nang tapos ang pinagbidahan niyang gay theme series na "Destiny Rose," hindi pa rin nawawala ang mga intriga na kumukuwestiyon sa pagkalalaki ni Ken Chan.

Sa ulat ni Rommel Gonzales sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Martes, sinabing ikinagulat ni Ken nang malaman na may tsismis na nakita umano siyang nakipaghalikan sa kapwa lalaki sa loob ng isang bar.

Ayon sa Kapuso actor at isa sa mga leading men ng bagong primetime series na "Meant To Be," first time daw niyang narinig ang naturang intriga.

Giit niya, wala itong katotohanan dahil wala siyang hilig mag-bar at mas gusto niyang nasa bahay lang.

“Hindi po ako mahilig lumabas, taong-bahay po ako at lagi kong kasama yung family ko," anang aktor.

“Kung pupunta man ako ng bar, kung may event ang GMA Artist Center," dagdag niya.

Siniguro rin ni Ken na babae ang gusto niya, hindi bading o lalaki.

Hinala niya, ang malaking impact at epektibong pagganap niya sa karakter bilang transgender sa "Destiny Rose" ang dahilan kaya siya natsitsismis na bading.

Kasabay nito, itinanggi rin ni Ken na mayroon siyang politikong gay benefactor kaya nakapagpagawa siya ng bagong bahay.

Bagaman inamin ni Ken na may rich gay na nag-offer sa kanya ng bahay, hindi raw niya ito tinanggap.

Ayon kay Ken, ang bago niyang bahay sa Quezon City ay pinaghirapan niya mula sa kaniyang trabaho.

“Hanggang ngayon, binabayaran ko 'yon,” saad niya. -- FRJ, GMA News

Tags: kenchan