ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

8-buwang buntis na si Rufa Mae, maayos na ang lagay matapos isugod sa ospital


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa pamamagitan ng Instagram posts, ibinahagi ng walong buwang buntis na si Rufa Mae Quinto ang pagkakadala niya sa ospital nitong Lunes.

Sa unang post na may larawan niya habang nasa ospital, ipinaabot ng aktres ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang mister sa pag-asikaso sa kanilang mag-ina.

Kasama rin dito ang mensahe ni Rufa Mae sa kaniyang baby sa sinapupunan na "hold on baby."

"Hold on baby @alexandriamagallanes," saad ng aktres.

"Thank you my loving husband @trevvvsilog for being with us... in the hospital, you are the greatest dad.. I'll tell our daughter that when she gets older, I love you... we can both get some fully nice resting. Sleeping ... knowing that our daughter and I are safe and sound."

Sa naturang post din binanggit ni Rufa Mae na gabi nang dinala siya sa ospital.

Hindi man naipaliwanag ni Rufa Mae sa naturang post ang dahilan ng kaniyang pagkaka-ospital, nabanggit naman niya sa pagtugon sa komento na may kinalaman ang kaniyang pagwo-workout.

"Noong gabi Nasugod Kami ng anak ko lastnight sa hospital, kwento ko more details soon, nakaya namin lahat. Sarap ng may minamahal, may nagmamahal, lahat Kaya mo, lahat Laban, anak mahal ka namin at madaming abangers sayo so wait, 1 more month, we will see you and the world.thank you," saad niya.

 

Nang dahil sa nangyari, sinabi ni Rufa Mae sa isa pang post, na napagtanto niya kung gaaano ang maging isang ina.

"Ganito Pala maging Ina, kailangan sobrang Tibayan at sobrang lakas ng loob mo para mairaos mo ang anak mo sa Kung ano ang test. Totoo ang kasabihan na you are risking your life pag preggy, natakot ako ninerbyos Pero bandang Huli... I told myself, I have to be strong for my daughter @alexandriamagallanes," pahayag ng aktres na may kasama ring larawan niya sa ospital.

Muli niyang pinasalamatan ang kaniyang mister sa pag-aalaga sa kanilang mag-ina para makarecover kaagad.

"Ssa tulong ng asawa ko, naging mas madali kanina naka recover kami agad ng anak ko. Salamat daddy @trevvvsilog for being with us the whole time. Our daughter will be very proud of you! The best gift that dad could ever give to her child is to be there, give support," patuloy ng aktres.

Ipinahayag din ni Rufa Mae ang pananabik sa paglabas ng kanilang anak.

"Konting Ubos nalang ng swero, konting bed rest, 1 month nalang bago tayo pasabog ng grasya. stay there, inside mama, Hold on, hold tight... we love you! Grow some more , kakain pa tayo madami na yummy #everythingisoknow," aniya.

 

Ganito Pala maging Ina, kailangan sobrang Tibayan at sobrang lakas ng loob mo para mairaos mo ang anak mo sa Kung ano ang test, Totoo ang kasabihan na you are risking your life pag preggy , natakot ako ninerbyos Pero bandang Huli... I told myself, I have to be strong for my daughter @alexandriamagallanes ... sa tulong ng asawa ko, naging mas madali kanina naka recover kami agad ng anak ko. Salamat daddy @trevvvsilog for being with us the whole time. Our daughter will be very proud of you! The best gift that dad could ever give to her child is to be there, give support ????+ % . Sensya na sa eksena kagabi .. hay salamat mister ko????‍????‍????. Ikaw na ang pinaka gwapong lalake para sa Amin .. taga pag bantay ko ???????? sensya na sa selfie ko , may pinag daanan lang Pero nakaraos na din.. konting Ubos nalang ng swero, konting bed rest, 1 month nalang bago tayo pasabog ng grasya.stay there , inside mama, Hold on , hold tight ... we love you! Grow some more , kakain pa tayo madami na yummy #everythingisoknow

A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

-- FRJ, GMA News