Angelu de Leon shares 'road to complete recovery' from Bell's palsy
Ibinahagi ng aktres na si Angelu de Leon ang isa sa mga prosesong pinagdaanan niya upang tuluyang gumaling matapos siyang makaranas ng Bell's palsy attack noong nakaraang taon.
Ayon sa aktres, tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kaniyang kalagayan at muli na ring lumalakas ang muscles niya sa mukha, na naapektuhan ng nasabing sakit.
Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, ipinasilip ni Angelu ang pasa na nakuha niya mula sa acupuncture session na pinagdaanan niya.
“Bruised cheeks c/o my korean acupuncturist Dr. Marie Lee. But all good because she had to pop the blood clot inside that was blocking the blood from flowing to my upper lip,” kuwento ni Angelu.
Laking pasalamat ng aktres dahil tanging ang kaliwang mata at upper lip na lamang raw niya ang apektado ng Bell's palsy.
Matatandaang huling inatake ng sakit si Angelu nitong nakaraang Nobyembre matapos ang kaniyang bakasyon sa ibang bansa.
Nagpapasalamat din si Angelu sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal at sumusuporta sa kaniya habang nagpapagaling siya.
“Thank you for all the prayers. I know God is not yet done. I am still claiming and declaring COMPLETE healing and a 100% restoration of my facial nerves in JESUS' name,” ayon sa aktres. -- FRJ, GMA News