ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Newbie Lharby Policarpio sa pagkakasama niya sa 'Pinulot Ka Lang Sa Lupa': 'I'm so overwhelmed'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang ang showbiz newbie na si Lharby Policarpio sa mga bibida sa GMA Afternoon Prime series na "Pinulot Ka Lang Sa Lupa," na ipalalabas na sa darating na January 30.

Mula sa pagiging contender sa reality-based talent search na "To The Top," isang malaking karangalan daw para sa aktor na maging bahagi ng programang binubuo ng ilan sa pinakamagagaling na artista ng GMA Network.

Kasama niyang magbibigay-buhay sa TV remake ng 1987 classic Pinoy film sina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, Martin del Rosario, Jean Garcia, Ara Mina, LJ Reyes, at marami pang iba.

Bukod pa riyan, pangungunahan din ng batikang direktor na si Gina Alajar ang pagbuo sa nasabing programa.

Ayon kay Lharby sa ginanap na press conference nitong Lunes, "I'm so overwhelmed kasi working with them is such an honor. Everytime na pumupunta ako sa set, kapag nakikita ko silang lahat at ka-eksena ko sila, mas na-iinspire ako to do more, na mas galingan. Kailangan prepared agad pagdating sa set."

 

The whole cast of PINULOT KA LANG SA LUPA! Jan 30 na sa GMA 7's Afternoon Prime! #pinulotkalangsalupa #pklslpresscon @chic2garcia

A photo posted by Elizabeth Delos Reyes Rivera (@bettybeth4) on

 

Malaking tulong raw sa kaniyang pagnanais na maging isang magaling na artista ang pagiging bahagi ng isang star-studded cast, kaya naman labis ang pasasalamat ng Kapuso actor sa pagkakataong mapabilang sa mga gaganap sa teleserye.

"Doon ka mahuhubog, sa pag-oobserve sa mga taong nakakatrabaho mo—malaking tulong talaga. Ang laking pagbabago ang naibibigay nila sa talent ko. Everyday is a learning process. Sobrang gagaling ng mga katrabaho ko," dagdag pa niya.

Kasama ni Lharby na bibida sa "Pinulot Ka Lang Sa Lupa" sina Allan Paule, Victor Neri, Janna Dominguez, at Geleen Eugenio.

 

Catch #LharbyPolicarpio @iamlarbs as Boggs on #PinulotKaLangSaLupa #PinulotKaLangSaLupaPressCon #ArtistCenter #GmaArtistCenter

A photo posted by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Mapapanood na ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series simula sa darating na January 30, pagkatapos ng "Hahamakin Ang Lahat."-- FRJ, GMA News