Kris Bernal leads star-studded cast of Kapuso series ‘Impostora’
Pangungunahan ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang remake ng hit 2007 Kapuso series na “Impostora” na nakatakdang ipalabas muli sa GMA Network ngayong taon.
Bibigyang-buhay ng aktres si Nimfa, isang street vendor na sasailalim sa isang facial reconstruction surgery upang magpanggap bilang Rosette, isang maganda at mayamang babae.
Abangan si @krisbernal sa upcoming drama series ng GMA Network, #Impostora ?????
A photo posted by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on
Sa naunang pahayag, ibinahagi ni Kris ang mga paghahandang ginagawa niya para sa bagong proyekto. Kabilang na ang pagsailalim sa intense acting workshops.
Makakasama ng Kapuso actress sa “Impostora” ang ilan pang magagaling na mga artista, tulad nina Rafael Rosell, Ryan Eigenmann, Elizabeth Oropesa, Vaness del Moral, Aicelle Santos, at marami pang iba.
Kasama rin sa star-studded cast ng serye ang child stars na sina Altheya Hablan at Yuan Francisco.
Itinatampok rin sa #Impostora sina @rafrafrosell at @itlogenmann421 ????
A photo posted by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on
Narito na ang cast ng bagong aabangang GMA drama series na #Impostora ????
A photo posted by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on
Ayon kay GMA VP for Drama Productions Redgie Magno, ibinabalik nila ang ilan sa mga pinakamatagumpay na serye ng Kapuso Network upang mabigyan ng pagkakataon ang mga manonood na muling mapanood ang mga kuwentong minahal nila.
“After the success of 'Encantadia,' we thought of doing other remakes of successful shows in the past. Like 'Mulawin,' it's a level-up. It's 'Mulawin vs. Ravena.' Sa 'Impostora' naman, we have a different artist, so there's a different attack sa role," aniya.
Dagdag ni GMA SVP for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable tungkol sa bida ng programa, “Kris is a very good actress. Kayang-kaya niya ang 'Impostora.'”
Abangan ang bagong bersiyon ng hit Kapuso teleserye na "Impostora" sa GMA Network ngayong 2017! —ALG, GMA News