ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tom Rodriguez, Lovi Poe talk about cyberbullying, equality for women


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bago magpasaya ng kanilang mga tagahanga sa “Sikat Ka Kapuso” concert sa Amerika, nagbigay muna ng kani-kanilang pananaw ang mga Kapuso at “Someone To Watch Over Me” stars na sina Tom Rodriguez at Lovi Poe tungkol sa ilang mahahalagang isyu sa lipunan.

Sa ginanap na press conference kamaikailan, natanong ang Kapuso actor tungkol sa pagharap sa mga basher.

Sagot ni Tom, dapat laging tandaan ng netizens ang responsableng paggamit sa social media, at kabilang dito ang pag-iwas sa anomang uri ng cyberbullying.

“This form of cyberbullying is not exclusive to our industry, it happens everywhere, and it's something that needs to be ended because it can do lasting damage to other people who may not be equipped to handles such things,” paliwanag ni Tom.

Matatandaang nitong nakaraang taon lang, nakiisa ang ilan sa pinakakilalang Kapuso stars sa #HeartOverHate campaign, isang anti-cyberbullying initiative mula sa GMA Network. 

Maliban sa pagtuligsa sa cyberbullying, hinikayat din ng mga artista ang netizens na magpalaganap na lamang ng “encouragement, kindness, and responsibility” sa social media. 

WATCH: Marian, Alden, other Kapuso stars stand up against cyberbullying in #HeartOverHate campaign

Tungkol naman sa karapatan ng mga kababaihan ang katanungan para kay Lovi mula sa nasabing press conference.

Ayon sa Kapuso actress, mahalagang maitaguyod ang pantay-pantay na pagtingin sa mga tao— babae man o lalaki.

“It doesn't mean that we're women, we're weak and we can do less. What men can do, women can do, too,” aniya.

Kabilang sina Lovi at Tom sa mga nagpasaya sa mga Pinoy sa abroad sa "Sikat Ka Kapuso" concert sa Amerika.

Kasama nilang nagtanghal sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Alden Richards, at Betong Sumaya.

 

 

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News