ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang foreign beauty queen, umibig sa mga Pinoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maraming dayuhang beauty queens ang nabibighani sa kagandahan ng Pilipinas. At ang ilan sa kanila, nabighani rin sa kakisigan at pagiging romantiko ng mga Pinoy.


Sa ulat ni Tina Panganiban-Perez sa GMA News TV's "State of the Nation with Jessica Soho" nitong Huwebes, sinabing ang kauna-unahang Miss Universe ng kasaysayan noong 1952 na si Armi Kuusela [Miss Finland],  ikinasal sa negosyanteng Pinoy na si Virgilio Hilario.

 


Nang panahong iyon, 18-anyos lang umano si Armi nang mahulog ang kanyang loob kay Virgilio.

Kaya naman kahit hindi pa niya natatapos ang isang taon niyang termino bilang Miss Universe, binitiwan niya ang korona para pakasalan si Hilario.

 


Nagkaroon umano ng limang anak sina Armi at Hilario.

Ang Miss Universe 1993 naman na si Dayanara Torres, nakapasok sa Philippine showbiz at nakarelasyon ng aktor na si Aga Muhlach sa loob ng apat na taon.

 


Labis ang pasasalamat ni Dayanara sa pagtanggap sa kaniya ng mga Pinoy.

"I was just so thankful and grateful that I was in the Philippines, a country who embraced me completely and opened their hearts and their arms and their homes and I was part of their culture and history, so just amazingly beautiful memories," anang Puerto Rican beauty queen.

 


Ang singer-songwriter naman na si Ogie Alcasid ang nakabihag sa puso ni Miss Australia, Michelle Van Eimeren.

 


Nagkakilala at nagkalapit ang loob ng dalawa nang pumunta sa bansa si Michelle noong 1994 para sumabak sa Miss Universe pageant.

Hindi man niya nakuha ang korona, nakapasok  naman siya sa Philippine showbiz at ikinasal kay Ogie.

 


Nagbunga ng dalawang anak ang kanilang pagsasama.

Nauwi man sa hiwalay ang kanilang relasyon, nanatiling magkaibigan ang dalawa. -- FRJ, GMA News

Tags: missuniverse