ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aljur Abrenica, tatlong beses nag-propose ng kasal, ayon kay Kylie Padilla


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikinuwento ni Kylie Padilla na tatlong beses nag-propose sa kaniya si Aljur Abrenica, at inakala niyang nagbibiro lang ang aktor sa isang pagkakataon.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, ipinakita ang suot na engagement ring ni Kylie na bigay ni Aljur.

Basahin: Balikan ang love story nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Ang naturang singsing ay one carat round cut diamond na white gold setting at may maliliit na diamante.

Kuwento ni Kylie, nangyari ang unang proposal ni Aljur noong nakaraang Oktubre sa isang theme park sa Japan.

Inakala naman niyang biro ang ikalawang proposal ng aktor dahil bukod sa hindi raw ito lumuhod, isang maliit na green wire ang ipinasuot sa kaniya bilang singsing.

Natuklasan umano ni Kylie na tila ginamit lang ni Aljur na pangsukat ng kaniyang daliri ang wire dahil kinabukasan ay nandoon na ang tunay na singsing.

Ang ikatlong proposal ay nangyari umano sa kotse ni Aljur nitong Nobyembre, na naging simple pero madamdamin.

Wala pa umanong detalye kung saan o kailan magaganap ang kasal nina Aljur at Kylie, ayon sa ulat.. -- FRJ, GMA News

Tags: kyliepadilla