ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Kuya Wil, sinagot ang plane ticket ng anak ng inang OFW na may sakit


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Malapit sa puso ni Willie Revillame ang mga overseas Filipino worker (OFW). Kaya naman nang malaman niya ang sitwasyon ng isang inang OFW na may sakit, gumawa ng paraan ang "Wowowin" host para makatulong sa abot ng kaniyang makakaya. Panoorin.

Ang mawalay sa mga mahal sa buhay ang isa sa mga pinakamahirap na parte sa buhay ng isang OFW.

Kaya kahanga-hanga si Nanay Rose na kahit may karamdaman na ay ang anak pa rin ang nasa isip.

At nang malaman ni Kuya Wil na desidido pa rin si Nanay Rose na umalis para makuha ang anak sa abroad,  sinagot na ng "Wowowin" host ang plane ticket ng anak  at pinayuhan ang OFW na magpagaling na muna.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News

Tags: wowowin