ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
FIND OUT
Add GMA on Google
Misis ng kongresista na kahawig ni Marian Rivera
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Alamin kung sino ang misis ng isang actor turned politician na sinasabing kahawig ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Sa Starbites report sa "Balitanghali" ni Nelson Canlas nitong Biyernes, sinabing naging usap-usapan sa social media ang mga larawan na ipinost sa Instagram ni Yasmine Vargas, dahil sa pagiging magkahawig nila ni Marian.
Si Yasmine ay butihing maybahay ng aktor na si Alfred Vargas, na kongresista rin ngayon ng Quezon City.
Pinaghalong Pinay at Italian si Yasmine, na lumaki sa Milan, Italy.
Habang si Marian, Pinay ang ina at mula naman sa Spain ang ama.
Ikinasal sina Alfred at Yasmine noong 2010 at mayroon na silang dalawang anak.-- FRJ, GMA News
Tags: lookalikes, marianrivera
More Videos
Most Popular