ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nadia Montenegro, humingi ng dasal para sa partner na may sakit na si Boy Asistio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakaratay ngayon sa ospital ang 80-anyos na dating alkalde ng Caloocan City na si Macario 'Boy' Asistio, at life partner ng aktres na si Nadia Montenegro.

Sa ulat ni Arniel Serato sa Philippine Entertainment Portal nitong Biyernes, sinabing humihingi ng panalangin si Nadia para sa dating alkalde na comatose umano.

Sinabing isinugod sa ospital si Asistio noong Miyerkules, February 1, dahil sa cardiac arrest.

 

Please pray with me...pls ????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

A photo posted by Nadia montenegro (@officialnadiam) on



Sa isang Instagram post ni Nadia, makikita ang pagbabantay ng pamilya sa ospital.


 

Mahal ??na mahal ?na mahal?? kita!!! Kqpit pa konti!

A photo posted by Nadia montenegro (@officialnadiam) on



Maging ang kanilang mga anak na sina Ynna at Alyana ay humihiling din ng dasal para sa paggaling ng kanilang ama.

Sa isang Instagram post ni Alyana, nakasaad ang labis nitong pagmamahal sa ama.
 

 

Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal KITA????????????????? Sobrang sakit na daddy ????

A photo posted by Alyana Asistio (@alyanaasistio) on



-- FRJ, GMA News