Sino ang babaeng ito na bibida sa bagong GMA series?
Mahulaan kaya ninyo kung sino ang aktres na nasa likod ng prosthetics na ito— ang karakter ng isang street vendor na magiging bahagi ng bagong susubaybayang GMA drama series?
Sa Instagram post ng GMA Artist Center, sinabing ang larawan ng misteryosong babae ay may prosthetics o make-up ay mula sa taping ng nasabing bagong programa.
A photo posted by GMA Artist Center (@artistcenter) on
Ito ay ang karakter na si Nimfa, isang street vendor na sasailalim sa isang facial reconstruction surgery upang magpanggap bilang si Rosette, isang maganda at mayamang babae.
Ang karakter ni Nimfa ay mapapanood sa remake ng seryeng "Impostora" na gagampanan ng Kapuso actress na si Kris Bernal.
A photo posted by GMA Artist Center (@artistcenter) on
READ: Kris Bernal leads star-studded cast of Kapuso series ‘Impostora’
-- FRJ, GMA News