Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sinon 'Rogelia' Loresca receives invitation from U.S. talk show after viral Miss Universe walk


Matapos ang limang araw, umabot na sa mahigit sa 24 million views ang Miss Universe walk video ng “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Sinon Loresca, na mas nakilala ng marami bilang "Rogelia" sa kalyeserye ng "Eat Bulaga."

Suot ang six-inch high heels, rumampa si Sinon ng mala-Miss Universe bilang pagpapakita ng suporta sa pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina.

Kaagad namang napansin ng marami ang naturang video at naitampok na siya sa iba't ibang international websites.

Kamakailan lang, ibinahagi ng TV personality at viral sensation na nakatanggap na siya ng imbitasyon mula sa Emmy Award-winning American talk show na “The Doctors.”

 

 

Omg omg omg! THE DOCTORS ????

A photo posted by ?????FFICIAL ?????CCOUNT ???????? (@sinonloresca) on

 

Sa isang hiwalay na post, emosyonal na nagpasalamat si Sinon sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya at nagbahagi ng kaniyang video sa social media.

 

“Nagpapasalamat po ako for making my video viral worldwide. Sa totoo lang, hindi ko talaga ito na-expect dahil gusto ko lang suportahan ang ating kababayan na lumaban sa Miss Universe—si Maxine Medina. Hindi ko in-expect na magte-trend ang video sa buong mundo,” aniya.

 

Dagdag pa ng “Eat Bulaga!” Dabarkads, “Thank you for bringing my catwalk to the world—or the universe rather. I love you all. I promise to keep posting funny videos.”

 

 

#TearsOfJoy THANK YOU GUYS FOR BRINGING MY CATWALK WORLDWIDE ????????????

A video posted by ?????FFICIAL ?????CCOUNT ???????? (@sinonloresca) on

 

Magiging madalas na ring mapapanood sa telebisyon si Sinon dahil magiging bahagi siya ng upcoming Kapuso teleserye na “Impostora,” na pagbibidahan ni Kris Bernal.

Mapapanood rin sa nasabing programa sina Rafael Rosell, Ryan Eigenmann, Elizabeth Oropesa, Vaness del Moral, Aicelle Santos, Althea Ablan, Yuan Francisco, at marami pang iba. -- FRJ, GMA News