Inah de Belen, gaganap bilang Deshna sa ‘Encantadia’
Kabilang ang Kapuso actress na si Inah de Belen sa mga bagong artistang makakabilang sa star-studded cast ng remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia.”
Bibigyang-buhay ni Inah ang karakter na si Deshna, ang anak nina Hagorn at Lilasari.
Ayon sa aktres, magkahalong kaba at excitement ang kaniyang nararamdaman kasabay ng pagganap niya sa “Encantadia” lalo na't malaki at importanteng role ang ibinigay sa kaniya.
Bilang paghahanda nga, sumailalim na siya sa acting workshops at arnis training.
“When I found out, sabi ko, 'Oh my gosh! Pinapanood ko ito before tapos kasama na ako.' Medyo physical talaga 'yung role ko at ibang-iba sa 'Oh My Mama,'” ayon kay Inah sa panayam ng “24 Oras” nitong Miyerkules.
Maliban kay Deshna, inaabangan na rin ng Encantadiks ang pagpapakilala sa ilan pang bagong karakter.
Ngayong muling babangon ang kaharian ng Etheria, marami na ang nasasabik na malaman kung sino ang magbibigay-buhay kay Reyna Avria, na ginampanan ni Francine Prieto sa orihinal na “Encantadia” noong 2005.
Ilan pa sa mga bagong karakter na inaasahang ipakikilala sa mga susunod na araw ang mga Etherian na sina Odesa, Andora, at Hubila.
Encantadia: Muling pagbangon ng Etheria... by encantadia2016
Subaybayan ang painit nang painit na kuwento ng “Encantadia” sa GMA Primetime araw-araw, pagkatapos ng “24 Oras.” — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News