Isang lumang kaharian ang muling babangon sa 'Encantadia'
Patuloy ang mga kaabang-abang na eksena sa “Encantadia” ngayong parami nang parami ang mga bagong twists na mapapanood sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series.
Sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, iniulat na hindi lamang mga bagong karakter ang aabangan sa serye kung hindi maging ang pagpapakilala ng iba pang mga kaharian.
Kasabay ng pagkawala ng ilang malalaking karakter, kabilang na si Sang'gre Amihan, tuluyan nang magbabago ang kapalaran ng mga diwata.
Ayon kay Glaiza de Castro, na nagbigay-buhay kay Sanggre Pirena, “Abangan nila kung sino yung mga tutulong sa mga Sang'gre, kung paano itatayo ulit ang Etheria, at kung ano ang panibagong threat na parating.”
Isang malaking hamon agad ang nag-aabang sa bagong reyna ng Lireo na si Sang'gre Danaya [Sanya Lopez]—ang pagbangon ng Etheria, isang lumang kaharian na kilala bilang mahigpit na kalaban ng mga diwata.
Ang Etheria ang kaharian na itinayo ni Bathalumang Ether upang magdulot ng kaguluhan sa Encantadia, at kasabay ng muling pagbangon nito ang posibilidad na muling mabuhay ang nasawing sakim na reynang si Avria.
Encantadia Teaser Ep. 149: Ang muling pagbangon... by encantadia2016
Click here for more of "Encantadia" videos:
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News