Regine Velasquez reacts to negative tweets about Leila Alcasid
Hindi napigilan ng Kapuso host-actress at Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang masaktan dahil sa magkakasunod na tweets mula sa isa umanong dati niyang fan na bumabatikos kay Leila Alcasid, ang panganay na anak ng kaniyang asawang si Ogie Alcasid.
Matatandaang nag-desisyon ang dalaga na umuwi sa Pilipinas kamakailan lamang upang sandaling makapagpahinga mula sa pag-aaral at masubukan rin ang pag-aartista.
Tila hindi nagustuhan ng netizen na si Spiggy (@spiglao) ang pabirong pagtukoy ni Leila kay Regine bilang PA o personal assistant nang samahan siya ng Kapuso star sa isang shooting.
Sinabi ito ng dalaga sa caption ng kaniyang Instagram post nitong nakaraang linggo, na binago na niya mula nang magsimula ang issue.
Leche ka @leilaalcasid manang-mana ka sa tatay mo. Susko mga pabigat, pabibo at mapagsamantala. Konting hiya din pag may time
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
@reginevalcasid Lahat ng sobra masama. Kahit ang pagiging mabait pag sumobra hindi rin maganda
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
@reginevalcasid At the end of the day artista ka. Hindi ka naman naghirap at nagsumikap para lang maging PA. O mali kami?
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
@reginevalcasid Last tweet. I'm still a fan but maybe it's time to let go. Bye
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
Sa isang Twitter post, humingi ng tawad si Regine kay Leila sa dinaranas nitong pambabatikos.
Aniya, "I'm hurting. So sorry, sweetheart @Leilaalcasid. I love you so much."
Sagot naman ng dalaga, "No need, your kindness and generosity will never be underestimated by me. Love you so much."
Tila gusto na rin daw burahin ng Asia's Songbird ang kaniyang Twitter account dahil sa mga masasakit na pahayag na nababasa niya rito.


Ni-repost rin ni Regine ang pahayag ng isang tagahanga tungkol sa walang kapantay na pagmamahal sa kanyang pamilya.
Ayon dito, "I just like to say that me and my hubby sometimes refer to ourselves as the yaya and driver of our child. What's the point of that PA thing? When you love your kids, you are willing to give everything and anything, even if it means all your time and effort."
Sa naunang pahayag, ipinagmalaki ni Regine na maganda na ang relasyon nila ni Leila bago pa man ito mag-desisyong mamalagi sa Pilipinas sa loob ng isang taon.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na madalas ring pumupunta ang Asia's Songbird sa Australia, kung saan nakatira ang pamilya ni Michelle van Eimeren, ang ina ni Leila at dating asawa ni Ogie.
Hindi na nga raw sila dumaan sa "adjustment period" noong mga unang linggo ng dalaga sa kanilang tahanan.
Kuwento ni Regine, "We already have a relationship. 'Yung travels namin sa Australia, siguro it's a short time for them, pero sa akin, hindi 'yun short time to create a relationship. I have that special relationship with her."
"Akala namin may adjustment kami kasi there will be another person, pero hindi kami dumaan doon," dagdag pa niya.
READ: ?Proud mom Regine Velasquez gushes about Nate and Leila's close relationship
Ibinahagi rin ni Leila ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng isang blog post.
Ayon sa dalaga, "Coming here has given me the chance to know my father on a level previously unexplored, spend time with my brother and watch him grow at a rate that isn't sped up by visits that are few and far between, and learn that family can sometimes transcend blood ties– because qualities like loyalty, generosity, and compassion are just as strong. (Love you Aunty Reg)."
Pinaghahandaan ngayon ni Regine ang nalalapit na pagpapalabas ng pinakabagong Kapuso comedy musical show na “Full House Tonight,” kung saan makakasama niya Joross Gamboa, Solenn Heussaff, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at ang mga batiakng komedyante na sina Philip Lazaro, Kim Idol, Terry Gian, Sarah Pagcaliwagan, Tammy Brown, at Nar Cabico.
Mapapanood na ang bagong programa ng GMA Network simula sa darating na Sabado, February 18, pagkatapos ng “Magpakailanman.” —ALG, GMA News