Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae gives birth to baby girl


Isinilang na ni Rufa Mae Quinto nitong Biyernes ang first baby nila ni Trevor Magallanes na si baby Alexandria.

Sa kaniyang Instagram account, isang larawan na kita ang binti ng baby ang  kaniyang ipinost na may nakasaad na @alexandriamagallanes.

 

@alexandriamagallanes

A post shared by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

READ: Rufa Mae Quinto describes daughter's 4D sonogram: 'Matangos ang ilong, full lips'

May hiwalay naman na post ang kaniyang mister na nagsasaad ng matinding kasiyahan sa pagdating ng kanilang panganay.

"I'm not going to lie, I feel a little dizzy after seeing you come to life. Mabuhay anak, welcome to what is known as life. Enjoy it and I hope u live it by your mother's famous words "todo na to!," saad sa post ni Trevor.

May ipinakita rin siyang larawan ng kaniyang mag-ina na may caption na "Love at first sight."

 

(Larawan mula sa @trevvvsilog Instagram)

Dumagsa naman sa comment section sa post ng mag-asawa ang mga pagbati na natutuwang makitang malusog ang anak ni Rufa Mae.

Matatandaan na nitong nakaraang Enero ay napaulat na dinala sa ospital ang aktres sa panahon na walong buwan pa lang ang kaniyang ipinagbubuntis. (READ: 8-buwang buntis na si Rufa Mae, maayos na ang lagay matapos isugod sa ospital)-- FRJ, GMA News

Tags: rufamae