ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Glaiza de Castro, ibinahagi kung papaano nakaapekto sa buhay niya ang 'Encantadia'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mag-iisang taon nang ginagampanan ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang karakter na si Sang'gre Pirena sa GMA Primetime series na “Encantadia,” at minahal na niya ito.

Sa katunayan, tulad ng maraming tagahanga ng serye, nadadala na raw niya sa totoong buhay ang mga aral na natutuhan niya habang binibigyang-buhay ang kuwento ng telefantasya.

Aniya sa isang panayam nitong Martes, “Naging guideline ko talaga ang 'Encantadia' kapag binabasa ko yung script. Siguro, naging successful din siya dahil sa message na binibigay niya sa mga tao. Parang nagiging guideline siya ng mga manonood sa tamang principles, sa challenges.”

“Nakikita ko ang sarili ko na talaga warrior sa lahat ng mga ginagawa natin. Laban lang, at magdasal kay Emre,” dagdag ng aktres.

Biro pa niya, “Kinain na ako ng sistema ng 'Encantadia.'”

 

A post shared by Glaiza Galura (@glaizaredux) on

 

Masaya rin daw si Glaiza na nabibigyan siya ng pagkakataong maging magandang impluwensya sa mga manonood, lalo na sa mga kabataan.

Ayon sa Kapuso actress, “'Yung mga bata, nakakatuwa na naiimpluwensyahan mo sila in a good way. Napapanood nila, at kung kung gayahin man nila, tama. Komportable na kung anoman ang gagawin nila na galing sa 'Encantadia.' Kumbaga, parang 'Aw, naging parte ako ng batang ito, ng paglaki niya.'”

WATCH: Glaiza de Castro reacts to her audition clips for ‘Encantadia’

Maliban sa “Encantadia,” abala rin ngayon si Glaiza sa paghahanda para sa nalalapit na paglabas ng kaniyang bagong album, kung saan tampok ang iba't ibang “stripped down” versions ng OPM songs. -- FRJ, GMA News