ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Megan Young,  nagulat daw nang aminin ni Mikael Daez ang tungkol sa kanilang relasyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagulat umano ang Kapuso actress at 2013 Miss World na si Megan Young sa ginawang pag-amin ni Mikael Daez tungkol sa tunay na lagay ng kanilang relasyon.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi ni Megan na magiging abala siya sa negosyo nila ni Mikael sa nalalapit na pagtatapos ng kinabibilangang serye na "Alyas Robin Hood."

Ikinagulat daw ni Megan ang ginawang pag-amin ni Mikael kamakailan tungkol sa kanilang relasyon pero masaya raw ang dalaga dahil natuldukan na ang real score sa kanilang dalawa.

READ: Mikael Daez, may sagot sa hiling ni Lauren Young na pakasalan na si Megan Young

"Finally we don't have to keep a secret anymore kahit na open secret naman talaga siya. So I'm just happy, I feel lighter," ani Megan.

Kahit pa hindi umamin ang dalawa tungkol sa kanilang reklasyon noon, hayag naman sa publiko ang kanilang pagiging travel buddies dahil makikita ito sa mga larawan na ipinopost sa kani-kanilang social media accounts.

Kaugnay nito, magkahalong lungkot at saya raw ang nararamdam ni Megan sa nalalapit na finale ng "Alyas Robin Hood," na kinatatampukan din nina Dingdong Dantes at Andrea Torres.

Malungkot daw si Megan dahil mami-miss niya ang kanyang co-stars sa programa pero masaya siya dahil magtatapos sila na maganda ang ratings nito at napasaya nila ang mga manonood.

"I think we were able to do well in terms of storyline, in terms of ratings, in terms of viewer feedbacks. I'm happy na napasaya namin yung mga tao," ayon kay Megan. -- FRJ, GMA News