Tetay, ibinahagi ang naging problema sa kalusugan
Matapos magsabog ng katatawanan noong Agosto 2016 ang impersonator ni Kris Aquino na si Divine Tetay sa "Tonight With Arnold Clavio," marami ang nakapansin na tila naging bihira siyang makita sa mga show.
Sa episode ng "TWAC" nitong Miyerkules, inilahad ng stand-up comedian ang naging problema sa kaniyang kalusugan.
Kasama ni Tetay na naging bisita sa programa ni Igan Arnold Clavio ang Kapuso comedian na si Boobay, nakaranas din ng problema sa kalusugan kamakailan.
Kung stroke ang naging problema ni Boobay, sinabi Tetay na may kaugnayan sa pancreas at liver ang problema niya sa kalusugan at patuloy pa siyang umiinom ng gamot.
Kasama sa pag-inom ng gamot, sinabi ni Tetay na kailangan niyang maging maingat sa mga kinakain at dapat iwasan niya na labis na mapagod.
Ito raw ang dahilan kaya nagbawas siya ng mga trabaho.
Samantala, nagpasalamat naman si Tetay sa mga nakapanood ng video niya sa pag-guest sa "TWAC" na nagkaroon ng mahigit isang milyong views.
READ: Comedian-impersonator ni Kris Aquino, nabigo at nasaktan sa dating karelasyon.
READ: Velma, Nura at Tetay, makikisaya sa 'Tonight with Arnold Clavio!'
Ang isa pang "TWAC" guesting ni Tetay na kasama sina Nura at Velma, umabot sa mahigit apat na milyon ang views.
Panoorin ang buong panayam kina Tetay at Boobay sa "TWAC."
-- FRJ, GMA News