ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart Evangelista hints role in upcoming series 'Mulawin Vs. Ravena'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagbigay ng clue si Heart Evangelista sa magiging role niya sa inaabangang fantaseries na "Mulawin Vs. Ravena."

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel, sinabing hindi pa nais na isiwalat ni Heart kung ano ang kanyang magiging role sa "Mulawin Vs Ravena" pero nagbigay siya ng clue tungkol sa kaniyang magiging karakter.

"Babalik siya, parang ganun, isang character from the past that will come back," saad ng aktres patungkol sa unang paglabas ng seryeng "Mulawin" noong 2004.

Bukod sa "Mulawin Vs. Ravena," malapit na rin daw magsimula ang iho-host niyang reality game show kung saan masusubukan daw ang tatag ng samahan ng mga contestant.

"It's about lovers na sasabak sa mga kakaibang sitwasyon at talagang masusubok ang kanilang relationship," aniya.

Looking forward din ang aktres sa kanilang late honeymoon and vacation ng mister na si Senator Francis Escudero sa Europe.

Target na raw ng mag-asawa na magka-baby ngayong taon.

Nang tanungin si Heart kung boy o girl ang nais niyang maging first baby, saad niya, "I wanna boy, but kung girl 'di mas masaya din naman ako." -- FRJ, GMA News