Paolo Ballesteros graces cover of ‘magazine for gay Filipino men’
Tampok ang “Eat Bulaga!” Dabarkads at “Die Beautiful” star na si Paolo Ballesteros sa pinakabagong issue ng Team, isang magazine ng iba't ibang balita at kuwento ng gay men sa Pilipinas at Southeast Asia.
Pinamagatan ang Issue 8 ng Team Magazine na “The Freedom To Be Yourself.”
TEAM Issue 8: The Freedom to be Yourself #TeamMag #PaoloBallesteros #gay #lgbt #magazine #????
A post shared by Victor Platon (@victorjohnplaton) on
Ayon sa Team Magazine, layon nilang mabigyang boses ang gay men, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng tamang karapatan at pagkilala sa bansa.
“TEAM tackles how gay Filipino men relate their identity, from fuckups to fantasies, to where to go for music you can actually dance to. We may not have proper rights in our country but we’re claiming some authority by getting our words and ideas on page,” ayon sa mga bumubuo ng magazine.
Dagdag pa nila, “And though we lack public places to convene, an open publication (and wide-open digital space) is a good place to start.”
Bukod kay Paolo, naitampok na rin sa Team Magazine ang batikang host na si Boy Abunda, photographer na si BJ Pascual, at ang kauna-unahang transgender politician na naihalal sa gobyerno ng Pilipinas na si Geraldine Roman.
A post shared by TEAM (@teammag) on
Maliban sa kaniyang araw-araw na pagpapasaya sa “Eat Bulaga!” bilang host, nakilala rin si Paolo sa buong mundo dahil sa kaniyang natatanging pagganap bilang isang transgender sa independent film na “Die Beautiful” noong nakaraang taon.
Kamakailan lamang, iginawad sa Kapuso star ang Best Actor award sa Metro Manila Film Festival 2016 Gabi ng Parangal.
Noong nakaraang taon din, nakuha niya ang Best Actor award mula sa Tokyo International Film Festival, at ang Special Jury Award for Outstanding Performance mula naman sa International Film Festival of Kerala. —ALG, GMA News