ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maxine Medina's boyfriend Marx Topacio joins 'Encantadia' as Azulan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang ang nobyo ni Binibining Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina at model-actor na si Marx Topacio sa mga artistang magbibigay-buhay sa mga bagong karakter sa hit Kapuso fantasy series na "Encantadia."

Si Marx ay kabilang sa mga gumaganap bilang miyembro ng Punjabwe, ang grupong kinabibilangan rin ng mga karakter na ginagampanan ng mga bagong kasama sa "Encantandia" na sina Arra San Agustin at Joross Gamboa.

Bibigyang-buhay nina Marx, Arra, at Joross sina Azulan, Ariana, at Manik.

Nitong Lunes, nakilala ng mga manonood ang nasabing grupo nang salakayin sila ng mga taga-Etheria.


Encantadia Teaser Ep. 162: Ang mga Punjabwe by encantadia2016

Bago pa man siya maging bahagi ng "Encantadia," nakilala na ng marami si Marx bilang Top Male Model of the Philippines 2016 sa Asia Model Festival 2016 na naganap sa South Korea.

 

 

A post shared by Marx Topacio (@marx_topacio) on

 

Abangan sina Marx, Arra, at Joross sa mga mas tumitinding tagpo sa "Encantadia" ngayong linggo. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News