'Eat Bulaga!' Dabarkads start taping for Lenten Special episodes
Ngayong nalalapit na ang Semana Santa, muling naghahanda ang mga host ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga!" para sa Lenten Special episodes na ipapalabas sa Holy Week.
Gaya ng nagkaraang mga Semana Santa, asahang ang mga nakakaantig na istorya na pagbibidahan ng mga dabarkads; na mula sa kuwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pagpapatawad.
Kamakailan lang, ibinahagi ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes ang ilang larawan mula sa shooting ng isa sa mga inihahandang special episodes ng "Eat Bulaga!" para sa darating na Holy Week.
Taping the EAT BULAGA Lenten Special with the Dabarkads. #workingweekend #choosehappy
A post shared by Joey Javier Reyes (@direkjoey) on
Kabilang sa cast nito ang Dabarkads na sina Paolo Ballesteros, Allan K., at Sinon Loresca, at ang Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas.
Now taping: Ai-Ai & Paolo B for Eat BULAGA Lenten Special #workingweekend #choosehappy
A post shared by Joey Javier Reyes (@direkjoey) on
Inaasahang ipalalabas ang "Eat Bulaga!" Lenten Special episodes sa darating na Abril 10. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News