ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maui Taylor, ikinuwento ang 'flirty move' sa kaniya ng isang politician


Sa programang "Mars," ikinuwento ng dating sexy star na si Maui Taylor ang diskarte ng isang politiko noong panahon ng kampanya na sa tingin ng aktres ay nagpe-'flirt' sa kaniya.

Sa segment na "Mars Sharing Group," pinag-usapan ng mga host ang ilang sitwasyon kung matatawag bang "friendly" lang o "flirty" na.

Isa mga sitwasyon na napag-usapan ay ang madalas na magte-text ng good morning ng isang tao na may kasama pang mga emoji na smiley at heart.

Dito na ibinahagi ni Maui ang kaniyang naging karanasan noong panahon ng kampanya sa isang politiko, na matapos daw niyang makilala sa isang political event ay lagi nang nagte-text sa kaniya.

Pero kahit hindi raw niya ito sinasagot, patuloy daw itong nagte-text at tumagal ng isang buwan.

Tumigil lang daw ang politiko sa pagte-text sa kaniya nang muli silang magkita sa second round kampanya at tinanong niya kung bakit ito laging nagte-text sa kaniya.

"For the campaign nagkita uli kami sabi ko sa kaniya, 'anong trip mo?' Sumagot daw ang politiko ng, 'Wala pinapa-smile lang kita.' Flirty," paliwanag ng aktres.

Paglilinaw ni Maui, hindi senador o gobernador ang naturang politiko kung hindi isang alkalde.

Panoorin ang buong kuwento ni Maui sa naturang politiko:

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News

Tags: mauitaylor, mars