Kylie Padilla reunites with 'Encantadia' family
Matapos ang ilang linggo, nagkaroon muli ng pagkakataon si Kylie Padilla na makasama ang kaniyang co-actors at mga kaibigan mula sa “Encantadia.”
Nitong Lunes, sama-samang nanood ng live-action adaptation ng Disney classic film na “Beauty and the Beast” sina Kylie, Direk Mark Reyes, Kate Valdez, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Mikee Quintos, at Rocco Nacino.
“So fun! I missed all of you! Watching 'Beauty and the Beast' was so much more magical with you, guys. 'Til next time,” ayon kay Kylie sa isang Instagram post.
A post shared by bulldog (@kylienicolepadilla) on
Matatandaang nag-desisyon ang aktres na sandaling magpahinga upang matutukan ang kaniyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kaniyang fiance na si Aljur Abrenica.
Sa isang hiwalay na post, ibinahagi rin ni Kate ang pangungulila niya kay “Ynang Amihan.”
Ayon sa aktres, na gumaganap bilang Mira, “Avisala aking Ynang Amihan! Labis kitang namiss!”
Avisala aking Ynang Amihan ! Labis kitang namiss ????????????????
A post shared by Kate Valdez (@valdezkate_) on
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News